
ALON NG KABAYANIHAN - PINAG-ISA NG DUGO, HINUBOG NG KAGITINGAN.
Isang malikhaing plataporma na nagbibigay-pugay sa mga bayaning nagtatanggol sa yamang-dagat, soberanya, at kabuhayan sa West Philippine Sea. Kilalanin ang mga bayani ng kasalukuyan—mula sa mga dedikadong opisyal ng Navy hanggang sa mga mangingisda ng Ilocos Norte.

About the West Philippine Sea

Pagbabantay sa Ating Karagatan
Ang West Philippine Sea ay isang mahalagang bahaging pandagat na susi sa kaligtasan at pag-unlad ng ating bansa, ngayon at sa mga susunod pang henerasyon.

Pagkilala sa Ating Karagatan
Noong 2012, sa pamamagitan ng Administrative Order No. 29, opisyal na pinangalanan ang bahaging pandagat sa kanlurang bahagi ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas bilang “West Philippine Sea”.

Ating Eksklusibong Karapatan sa EEZ
Sa ilalim ng international law, may eksklusibong karapatan ang Pilipinas na magsaliksik, gumamit, pangalagaan, at mamahala sa likas-yaman sa loob ng EEZ nito.

200 Nautical Miles Mula sa Baseline
Ayon sa international law, bawat coastal state ay may karapatang magkaroon ng Exclusive Economic Zone (EEZ) na umaabot hanggang 200 nautical miles mula sa baseline nito patungo sa karatig na dagat.

Pagprotekta sa Pinagmumulan ng Ating Pagkain
Ang West Philippine Sea ay mahalagang spawning ground ng mga isdang madalas nasa hapag ng mga Pilipino, tulad ng galunggong at danggit.

Pagpapatibay ng Karapatan ng Pilipinas sa Karagatan
Noong 2016, pinagtibay ng Arbitral Tribunal sa ilalim ng United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) ang sovereign rights ng Pilipinas sa loob ng EEZ nito. Ang UNCLOS ang kinikilalang legal framework na namamahala sa mga aktibidad sa mga karagatan at dagat sa buong mundo.

Pagtindig para sa Soberanya ng Pilipinas
Nagpasya rin ang Arbitral Tribunal na ang Nine-Dash Line ng PRC, na nag-aangkin ng teritoryo at tinatawag na “makasaysayang” karapatan sa malalawak na bahagi ng South China Sea at mga EEZ ng ibang bansa, ay walang legal na batayan sa ilalim ng international law.

Bajo de Masinloc (Scarborough Shoal)
Isang biologically rich coral atoll na matatagpuan 120 nautical miles sa kanluran ng Luzon. Isa itong traditional fishing ground ng iba’t ibang nasyonalidad, ngunit mula 2012 ay limitado na ang access dahil sa tuloy-tuloy na presensya ng PRC Coast Guard vessels.

Armed Forces of the Philippines (AFP)
Ang Pilipinas ay binubuo ng 7,641 na isla at may ika-limang pinakamahabang baybayin sa mundo. Bilang isang archipelagic nation, kailangang handa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) na ipagtanggol ang bansa sa lupa, himpapawid, at dagat.

Misyon at Layunin ng AFP
Noong 2024, inilunsad ng AFP ang Comprehensive Archipelagic Defense Concept upang mapangalagaan ang Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas sa pamamagitan ng pagpapalakas ng kanilang military capabilities.

Suplay sa Kabila ng Bantang Hinaharap
Sa kabila ng agresibong pagtatangka ng PRC Coast Guard na harangin ang mga resupply missions, nananatiling matatag ang Philippine Navy sa kanilang commitment na suportahan ang mga tropang naka-deploy sa mahahalagang outposts sa West Philippine Sea.
West Philippine Sea Bayani Movement









Kevin Mayuga
Direktor, Alon Ng Kabayanihan
“Akala ko dati alam ko 'yung issue sa West Philippine Sea, pero surface level lang pala ang alam ko. Nang mas lumalim ako sa research kasama ang Navy, at nang nakausap ko ang mga mangingisda, naramdaman ko ang hirap nila, ang galit nila, at ang tibay nila. Doon ako nadurog. Doon ko na-realize na kailangang maikuwento ang istoryang ito.”
Matuto pa
CARLO AQUINO
Aktor, Alon ng Kabayanihan
“Isa sa mga natutunan ko mula sa Armed Forces of the Philippines ay ang dedikasyon at pagmamahal sa bansa at sa kapwa Pilipino. At yung respeto nila—kahit sino kausap nila, pantay ang respeto.”
Matuto pa
Sid Lucero
Aktor, Alon ng Kabayanihan
“Ang tunay na kalaban ay ang pagka-ignorante. Kaya natin ito ginagawa—para magpalaganap ng awareness at kaalaman, para unti-unti, hindi na tayo maabuso ng ganito.”
Matuto pa
Ryza Cenon
Aktres, Alon ng Kabayanihan
“Para sa akin, hindi kailangang may costume ang isang Bayani, o gumawa ng engrandeng bagay. Basta tumutulong ka sa kapwa nang taos-puso at walang hinihintay na kapalit—Bayani ka.”
Matuto pa
Kumander Carbajal Philippine Navy
“Para sa akin, ang pagiging bayani ay selfless service. Yung lampas sa tungkulin—dedikasyon, pagbibigay ng buong sarili, at pagbibigay ng best effort mo para sa iba.”
Matuto paAng mga Bayani ng West Philippine Sea — ang mga may dedikasyon, tapang, at paniniwala sa ating mga karapatan bilang isang Bansa.
Tunay na Kwento
Mga Tunay na Kuwento ng West Philippine Sea

Inilalarawan ni Joel Bisera ang kahalagahan ng WPS.

Ang mga islang ito ang nagpapatibay ng ating soberanya. Magaganda talaga ‘yang mga fishing ground na ‘yan. Yung mga mangingisda sa Zambales pumupunta sa Scarborough para lang mangisda.
Joel Bisera,
Professor of Fisheries & Natural Sciences
Western Philippines University, Palawan

Si Jonathan Bueno (gitna) ukol sa pinaghihigpitang access sa pangingisda.

Malaki ang naging epekto ng mga barkong pangisda ng Tsina sa ating West Philippine Sea. Halos hindi na kami makalapit sa lugar na maraming isda.
Jonathan Bueno,
Bataan, Central Luzon (Region III)

Inilalarawan ni Richard Miral ang pananakot sa dagat.

Hindi rin sabing mamangga talaga siya, magadaan lang talaga siya. Ibig sabihin, tinataboy ka papatabi. Ayon lang po sa kanya, hindi ka pwedeng papasukin papunta doon.
Richard Miral,
Puerto Princesa, Palawan

Palaging tinatakot si Marvin Umawan ng mga patrol boat ng China.

Nakakatakot na lang ngayon kasi minsan yung mga Chinese parang nanghaharass na sila ng mga mangingisda. Kapag lilipat kami ng pwesto, lilipat din sila sa tabi. Kapag lalayo kami, susunod na naman sila.
Marvin Umawan,
Puerto Princesa, Palawan

Inilalarawan ni Artiga Castillion ang panliligalig na kanyang nararanasan sa dagat.

Pinapalayo lang sila sa lugar na ’yon na hindi pwedeng pasukan ng tulad natin — mga lahi na hindi pwedeng pasukin sa kawilan. Hindi pwedeng isadaan doon.
Artiga Castilion,
Puerto Princesa, Palawan

Nagbabahagi si Ronel Cabas sa mga nakakatakot na engkuwentro sa WPS.

Minsan nakakatakot magpalaot pa talaga dun kay... minsan nag ano sila eh... nagapanghabol sila minsan na pangtakot. Tapos minsan pauwi na kami… hinaharangan pa nila ng lambat yung dinadaanan namin.
Ronel Cabas,
Puerto Princesa, Palawan

Nagbabahagi si Wilfred Del Rosario kung paano bumabab ang kita sa pangingisda.

Sabihin natin yung kita dati, ang apat na araw kumikita kami ng 20 to 30,000 na sa isang dayo doon sa Reed Bank. Ngayon pinakamalaking kita yata nila parang nasa 10,000. Malaki ang pagbabago.
Wilfred Del Rosario,
President, Bagong Bayan Fisherfolk Association
Puerto Princesa, Palawan

Inilalarawan nina Ray Angeles (L) at Richard Miral (R) ang matinding pagbaba ng kanilang araw-araw na huli.

Ang laki ng nawala sa amin…yung nakaraan kumukuha kami ng tag 70 piraso na suno, ngayon pag-uwi nila trenta, bente na lang.
Ray Angeles & Richard Mira,
Puerto Princesa, Palawan

Nagbabahagi si Rid Lillasar kung paano nawalan ng kasiguruhan ang pangingisda.

Noon, marami pang nahuhuli. Pero ngayon ah palayuan na, paswertehan na lang kung may mahuli.
Rid Lillasar,
Puerto Princesa, Palawan

Nagbabahagi si Paulino Almunicar sa pagkalugi ng negosyo dahil sa pag-angkat ng isda.

Pagkakaroon man ng isda, iilan-ilan lang. Hindi kayang suplayan ngayon. Natatalo't natatalo sa mga galing ibang bansa.
Paulino Almunicar,
Fish seller,
Navotas Fish Port complex, Manila

Nagbabahagi si Joey Guara kung bakit nawawala ang sariwang galunggong sa mga pamilihan.

Kasi ang mga galunggong sariwa halos naubos na, kaya ang tinatangkilik na ng mga tao sa palengke, yung mga frozen. Sa laot pa lang, sa lantsa pa lang binibili na ng mga Tsino. Ginagawa na nilang frozen.
Joey Guaara,
Fish seller,
St. Joseph Market, Manila

Nagbabahagi si Joy Sabala kung bakit mas pinipili ang sariwang isda kaysa imported.

Naku po 'yan laki na yung difference, kasi yung sariwa kahit ilaga mo lang pwede, 'di ba? Yung mga import kasi yung galunggong ganon, prito-prito lang, hindi tayo sigurado kung fresh ba siya o saan galing.
Joy Sabala,
Cubao Farmers Market, Manila

Inilalarawan ni Mark Anthony Musero ang pagbabawal sa kanya sa sarili niyang dagat

Sa kanila kasi medyo malalayo ang napuntahan nila. Pero sa akin may epekto rin kasi… pinagbabawal kayo dito sa sarili niyong karagatan eh.
Mark Anthony Musero,
Puerto Princesa, Palawan

Ibinabahagi ni Hermelito Bacomo ang mga pangambang kinakaharap ng mga mangingisda.

Mas mahirap mangisda kasi imbes na nakatutok ka sa paghahanapbuhay, nag-aalala ka pa sa barko na hindi mo kabisado. Minsan hindi mo alam kung uuwi ka na lang ba o tutuloy.
Hermelito Bacomo,
Puerto Princesa, Palawan

Natatakot si Wilfred Del Rosario na pumalaot habang dumarami ang mga dayuhang sasakyang-dagat.

Kapag mas dumarami na sila at mas madalas na silang nandoon… natatakot na rin kaming lumabas sa dagat.
Wilfred Del Rosario,
President, Bagong Bayan Fisherfolk Association
Puerto Princesa, Palawan

Nagbabahagi si Paulino Almunicar sa pagkalugi ng negosyo dahil sa pag-angkat ng isda.

Napakasagana ng isda po rito. Lahat ho ng klase ng isda dito... Nandidito halos lahat. Ang volume ng isdang dagat umaabot ng 70 to 80,000. So unti-unti pong nawawala 'yon. Minsan... katulad ngayon walang dating. Walang fishing boat.
Paulino Almunicar,
Fish seller,
Navotas Fish Port complex, Manila

Inilalahad ni Ruby Semini ang epekto ng kakulangan ng isda sa mga nagtitinda.

Kung meron pong supply ng isang uri ng isda, makakakuha kami sa market at maipu-push namin sa customer. Eh kung wala pong supply, wala po kaming maipupush sa customer na– syempre yung customer po, may iba't ibang gusto pong klaseng klaseng isda 'yan eh. Wala– gawa nga pong walang supply po dito, wala din po kaming mai-serve sa customer... ganon.
Ruby Simini,
Dampa Farmers market

Nagbabahagi si Kyle Joseph Dalisay kung paano umaasa ang mga Pilipino sa WPS para sa kanilang kabuhayan.

Yung livelihood ng karamihan ay nakadepende talaga sa West Philippine Sea. Yung food security, naka-base talaga ito sa West Philippine Sea.
Kyle Joseph Dalisay,
Fisheries student,
Western Philippines University, Palawan

Iniuugnay ni Deo Florence Onda ang pinsala sa karagatan sa pagkaing napupunta sa hapag ng mga Pilipino.

Mula doon sa ilegal na ginagawa ng tao at yung epekto nito doon sa karagatan, magkakaroon ito ng diretsong epekto sa plato ng mga Pilipino.
Deo Florence Onda,
Professor,
Seafarer UP Marine Science Institute, Manila

Nananawagan ng proteksyon si Josel Bisera para sa resources ng dagat

Nasa isip pa rin namin na kailangan nating mag-conserve, kailangan nating protektahan, kasi tayo din ang nakikinabang. Ginagamit natin yung mga resources, tapos kung wala tayong effort na pangalagaan ang mga ‘yon, ano na ang gagawin natin sa future?
Josel Bisera,
Professor of Fisheries & Natural Sciences,
Western Philippines University, Palawan
Quiz


Handa Ka Na Bang Maging West Philippine Sea Bayani?
Subukan ang quiz para mapabuti ang iyong kaalaman.




