
ALON NG KABAYANIHAN - PINAG-ISA NG DUGO, HINUBOG NG KAGITINGAN.
PINAG-ISA NG DUGO, HINUBOG NG KAGITINGAN.



ANG WEST PHILIPPINE SEA
KARAPAT-DAPAT IPAGLABAN
Hitik sa yaman, kultura, at biodiversity, ang West Philippine Sea ay bukal ng ating pamana. Ngunit unti-unti tayong pinagkakaitan ng karapatang makinabang dito, pinsalang ramdam ng mga baybaying komunidad at ng buong bansa. Kilalanin ang ating mga bayani — ang mga mangingisda, ang Philippine Navy, at ang Philippine Coast Guard — na ipinagtatanggol ang karapatan ng Pilipinas sa West Philippine Sea.
TUNGKOL SA KAMPANYA
Sa tumitinding labanan para sa West Philippine Sea, ang disimpormasyon ang isang makapangyarihang sandata. Sa unahan ng digmaang ito sa impormasyon ay ang Center for Information Resilience and Integrity Studies (CIRIS), isang non-profit na organisasyon. Tiwala ang CIRIS sa kanilang misyon: na gawing puwersa ang katotohanan upang bigyang-lakas, pag-isahin, at patatagin ang paninindigan ng Pilipinas laban sa disimpormasyon at pananakot mula sa ibang bansa.
Ang kampanyang ito ay inisyatibo ng CIRIS para ipalaganap ang kaalaman ng masa tungkol sa mga isyung kinakaharap ng West Philippine Sea. Nabuo ito sa tulong ng Armed Forces of the Philippines, Philippine Coast Guard, Hot & Fresh Productions, at marami pang ibang bayaning sumusuporta sa adbokasiyang protektahan ang ating karapatan sa sarili nating karagatan.
Atin ito!
SA TULONG NG



DAGDAG NA NILALAMAN
MAKILAHOK SA USAPAN
Ibahagi ang opinyon sa campaign na ito at manalo ng Alon Ng Kabayanihan official merch!